Caution: Ang sumulat ay supporter ni Bro. Eddie (pangunahan ko na)
Alam kong maselan ang topic na ‘to. But because my heart is crying out for change; ako’y magsasalita gamit ang aking panulat kalakip ang ‘limitado’ kong kaisipan at pang-unawa.
Mas kilala sa tawag na envelopmental journalism o payola;
This is a practice where journalists are given money in envelopes so they would write favorable reports about a certain person. Envelopmental journalism is practiced by corrupt and greedy journalists! Sa sarili kong version; mga mamamahayag na makasarili, mapagsamantala at traydor sa sinumpaang tungkulin!
Hayaan nyo muna po akong magkwento;
Isa sa mga bagay kaya pinasok ko ang larangang ito ay dahil bilib ako sa mga taong may prinsipyo at may dignidad sa sarili. Nong unang panahon, panahon pa ng aking buhay estudyante ay nakapasok ako at ‘nakapag-trabaho’ bilang isang field reporter sa isang kilalang broadsheet. Na-enjoy ko talaga ‘yon! Nakikipaghabulan ka sa pulis, sunog, wanted, suspect at kung kani-kanino pa, para lang makakalap ng balita. Dahil nga baguhan, natuto akong makipaghalubilo don sa mga reporter na talagang gamay na ang ganong uri ng trabaho. Tinanong ko minsan yung isang writer ng tabloid;
“Kuya, curious ako, bakit don sa interview nila SPO2___ hindi ka pinapasok?”
Sagot niya; “Wala kasi akong dalang ‘pasalubong’ kay sir.”
Matic na ‘yan! Akala ko dati, kwentong barbero lang ang korapsyon sa media. Nangyayari palang talaga sa totoong buhay!
May isa pang scenario: Isang pulis na hiningan ko ng scoop
“Sir pwede bang makuha yung totoong pangalan nong bumaril don sa biktima?”
“Taga san ka ba? Baka naman small time ka, sayang naman ang laway ko.”
Ang choosy ni Sir! Eddie buong ‘pagpupugay ko namang sinabi kung taga saang dyaryo ako, matapatan ko lang ng konti ang yabang nya kahit na alam kong mali ang pumatol.
“Taga Philippine__ po.”
“Ah ganun ba, halika sa loob at makapag-kape muna”
Biruin nyo ‘yon! Tsk tsk tsk.
Ang siste, kung hindi ikaw ang maglalagay, ikaw ang lalagyan, depende sa kalidad o lasa na meron ka. ‘Pag ok ka at may sinabi sa iniikutan mong karera , apple of the eye ka nila.
Marami pa ‘kong experiences at kwento pero hindi ko nalang sasabihin. Isang bagay, nakita, naramdaman at nasaksihan ko ang kalakalan sa loob… Kahit papano, naranasan ko ang sistema kahit sabihin pang mga mata at kanang kamay ko lang ang nakapasok.
At sa totoo lang, may ilang mga reporter na nakikipag-date pa sa mga may posisyon para lang maka-scoop! Hindi ko naranasan… may takot naman ako sa Lord. Pero aaminin ko, may nagtangka.
Ito yung mga panahon na nagtatanong na ‘ko sa Panginoon; “Tama po kaya ang kursong kinuha ko?”
Ano nga bang dahilan at naisulat ko ang blog na ito? O sige aaminin ko na; Medyo tumataas ang kilay ko sa ayos ng media ngayong eleksyon! Parang may kinikilingan at may kinakampihan! Serbisyong sila-sila lamang!
The Philippine Press Institute (PPI), an association of newspaper publishers, established guidelines to its 97 member organizations on covering the 1998 presidential elections. The guidelines were explicit.
•Newsrooms were to pay their way. That meant, shouldering the cost of coverage during the election campaign and count, including dining out sources for stories, airfare, hotel accommodation, per diems, and operation expenses of staff members.
•Journalists were prohibited from accepting cash or gifts in kind from politicians and political parties and from moonlighting with political parties.
•The institute also issued a stern warning to journalists to beware of surveys.
*In the 2004 elections , the PPI failed to reissue the guidelines on the need to remain ethical and incorruptible during the election season.
The Philippine Center of Investigative Journalism (PCIJ) polled 59 reporters from leading Metro Manila-based national newspapers and radio and television stations that covered the five presidential candidates. In the course of their coverage, 20 or half of the campaign reporters said they were offered money by candidates, political parties and other sources, from once to as many as 20 times. The offer of money was made mostly to radio and broadsheet reporters and less often to television. Out of the 29 reporters who were offered money, 10 often or slightly more than a third said they took the money. By medium, more tabloid reporters (50%) took the money than radio reporters (43%), television reporters (40%) and broadsheet reporters (25%).
Nine of the 10 reporters who took the money said they did so even when their newsrooms set aside budget for covering the elections. All but one of the 10 reporters insisted that taking the money did not affect the way they wrote the story because they said they did not ask the money, no conditions were attached to the gift of money, they stuck to their principles and they always got the other side to balance the story.
Ayon ‘yan sa pag-aaral ng PCIJ. (Philippine Center for Investigative Journalism) Isang instutusyon na bumabalanse sa galaw ng media. Subok ang prinsipyo ng institusyon na ‘yan! Bakit nga ba hindi, e ‘yan ang thesis ng grupo namin noong college. “Watching the watchdog” (nag-promote pa ng thesis)
Hindi ko man nilalahat, pero ang daming questionable sa paghahayag nila ng balita ngayong eleksyon. Gusto kong maging specific; sa mga presidentiables.
Si Noynoy nahilo; balita.
Si Bro. Eddie napagkasundo ang dalawang magkalaban na tribo ng Muslim; walang balita.
Si Gibo nakipag-date sa kanyang kabiyak; balita. (frontpage pa)
Rally ni Bro. Eddie milyon ang supporters! (time running 17-secs kulang pa sa facts!)
Si Villar may sariling game show sa dalawang estasyon (tahimik ang lahat)
Si Bro. Eddie bumisita sa isang questionableng religious leader (umingay ang lahat)
Well… siguro nga biased ako. Bahala na kayong mag-judge. Wala kasing pambayad ng mamahaling Ads si Bro. Eddie. Wala syang perang pantapat sa mga tumatakbong kandidato. Ang prinsipyo nya kasi ay hindi for sale, kaya naman ayaw nya ring bumili ng prinsipyo ng iba.
Kahit alam kong imposibleng marinig ako ng mga taong tinutukoy ko, ang mahalaga ay naipahayag ko ang saloobin ko;
Excuse me po!
– Ang prinsipyo ay hindi nabibili sa palengke!
– Ang pera sa envelope ay nauubos!
– Hindi eleksyon taon taon!
– Kaya nga news ang salitang news ay dahil laging bago! Luluma rin ang balita mo!
– Mas maigi nang matulog kaysa magsulat ng sobra at kulang!
Ayan, ok na ‘ko! Hindi po ako galit. Sumisigaw lang ng pagbabago!!!
kalakip ang pagluhod at pagsusumamo sa habag ng ating Panginoon;
-dapithapon